Welcome to my life

Friday, November 2, 2012

We call it a day!

October 31, 2012 (Wednesday)


LUMUWAS KAMI PAPUNTANG MANILA PARA MAGPA-ENROL. Yun lang. Pero ito ang nangyari. 

4am

Woke up for the sake of travelling early, and to get rid of traffic.

10am

Arrived at the dorm, waited for Nikki. (She arrived around 12nn) then went to UST for enrollment. Pumili siya ng PE niya, di ko mapigilang tumawa (Sorry Nikki) FOLKDANCE kasi nakuha niya :)))

2pm

We ate at Santorini Korean Japanese Restaurant. BIBIMBAP and BEEF KIMBAP! Sobraaaang busog! And Milk Tea pa! @_@ yes. Milk Tea. Pero di ko naubos. Then we went back to the dorm, uuwi na sana kami. Kaso naisip ni Nikki na may album launch pala ang Chicosci sa Eastwood! So pinauna ko na Papa ko umuwi kasi sabi ko, "May lakad pa kami" :)) Mehehehe. Nagtanong kami sa random people kung paano makapunta ng Eastwood ng hindi taxi (kasi mahal yun)

2:15pm

Pumunta kami sa Legarda Station (LRT) para pumunta ng Katipunan. (Doon na lang daw kami magtaxi para mas mura.) Pero pagbaba namin ng pedicab, I REALIZED I LOST MY FREAKIN WALLET (and don't freakin ask kung how much ang laman kasi sobrang sayang talaga)

(Habang nakasakay sa pedicab)

Another pedicab driver: Uuwi ka ba sa inyo?! (talking to our driver)
Our driver: Di pa alam eh. Sana magkapera!!

Sana nakatulong sa driver ng pedicab namin yung pera. Sana makauwi siya sa hometown niya. :)

Around 2:45

Arrived at Katipunan, magtataxi dapat kami kaso ayaw talaga naming mapagastos. So we asked kung may jeep na dadaan sa Eastwood. May isang kuyang barker na sabi Montalban daw ang sasakyan namin, so naghanap kami ng jeep na Montalban and we found one. Sakay naman agad kami. Tinanong namin si kuya kung magkano pamasahe papuntang Eastwood. Sabi niya "Thirty Five Pesos po". Bayad naman agad kami. Si Nikki lahat may handle ng mga pamasahe, kasi wala akong pera. Ang dalang pera ko lang ay yung pambili ng Chicosci album. (600php) Habang nasa biyahe, we are trying to convince ourselves na makakarating kami sa Eastwood sa pamamagitan ng jeep na to. After 20-30 minutes.. Napagisip isip namin na parang ang layo nung MONTALBAN! ~_____~ shit. Sa Rizal na pala yun. Buti na lang nagtanong kami sa ate na katabi namin. Eto talaga yung "Shit happens" Muntik na kaming napunta sa Rizal province. Oo nga pala, sira sapatos ko. Hindi talaga ako compatible sa leather black shoes. Sana nagrubber shoes na lang ako. Malas talaga. ><

3:50pm (Joke time na yata tong oras ko. HAHAHAHA)

Bumalik kami sa Katipunan Station (Jeep) at doon na nagtaxi papuntang Eastwood. And FINALLY, nasa Eastwood na kami. Diretso bili ng CHICOSI ALBUM na may kasamang T-SHIRT at BALLER!!!! Ubos na pera ko!! Pero bakit ang saya ko padin? :)

Umikot pa kami sa Eastwood, ikot lang. :) wala namang pambili eh. Yung sapatos ko nga pala, isang pitik na lang.. Gigiba na. Malas talaga.

5pm

NAISIPAN NA NAMING UMUWI. :) Nagtaxi papuntang Santolan Station, tapos UMULAN. (Yung sapatos ko. Oh my gaaaaaad.) Malas.

6:40pm

Arrived at Cubao terminal and saw this.............................................................


Dagat ng tao na uhaw na uhaw sa pag-uwi. At wala kaming choice kundi makipagsapalaran sakanila. Ang dami talaga. Promise. SOBRANG DAMI. May Chicosci album tshirt at baller nga, di naman makauwi. Saklap.

7pm

We are 10million people away from the bus. 

WE WAITED.

and WAITED

amd WAITED. (and it is like waiting for forever.)



(Yamot faces)

Buti na lang mahaba pasensya namin. Tawanan lang habang naghihintay. Actually, kami lang ang estudyante na nasa pila. Nagtataka lahat ng tao sa paligid namin. Kasi lahat sila workers eh. :) Naka uniform parin kami. Pero masaya yung paghihintay namin. Madami kaming nameet na ate's and kuya's at tawanan at kwentuhan lang kami habang naghihintay. Ang saya! 

11pm. (Yes. 11pm.)

May bus naaaaaaaaaaaaaaa!!!! :")) Nakaka iyak!!!!! Sobraaaang nakaka iyak sa tuwa!! After 4 hours of waiting!!! MAY BUS NA! Thank you Loooooord!!!! "Best things comes to those who wait" nga naman talaga!! Para akong pilay na muling nakalakad. Para akong bulag na first time makakita. Para akong survivor ng stage 4 cancer. Grabe ang saya makakita ng Dagupan Bus!!!!!! :))

Habang nasa loob na ng bus, kumaway kami sa mga naging friends namin sa paghihintay. Iyak tawa talaga tong araw na to! Pero ang saya parin. :")

November 1, 2012 (Thursday)


12something. 

BINATI KO SI NIKKI NG "HAPPY HALLOWEEN!!" 
Inabutan na kami sa bus ng Undas! HAHAHA! 

3am

TOUCHDOWN!! Yay! Bahay na! :) Nikki decided to sleep in our house. Sobrang tahimik sa pagpasok ng bahay para di magising mga magulang ko. Pero wala. Narinig parin kami. Pero good vibes naman sila. So tulog na! :) 

Sobrang daming nangyari. Di ko alam kung naikwento ko dito lahat. Pero masaya ako dahil nangyari to. :) 
Na-bless ni Lord yung bawat tao, bawat daan at bawat ate at kuya na nakilala at napuntahan namin para magkaroon kami ng ganitong experience. :)