Minsan tila nagcoconspire ang buong mundo para iparamdam sakin kung gaano kalungkot mabuhay, lalo na kung malayo sa magulang at sa mga taong ni minsan hindi ko naisip na mawalay sakanila.
Minsan din naman, pakiramdam ko napang iiwanan na ko ng panahon, pakiramdam ko di na ako umuusad, na stuck na ako sa buhay na paulit ulit.
May mga araw na bumabangon ako ng walang plano sa sarili, naghihintay na lang ng kung ano mang mangyayari.
Minsan nakakalimutan kong isa pala akong kaibigan, kapatid at lalong lalo na isa pala akong anak na may malaking responsibilidad.
Minsan niloloko ko na sarili ko, di malaman kung ano ang tama sa mali, nagdedesisyon ng hindi napagisipan ng maigi.
Lahat ng trip kong gawin, nagawa ko. Lahat ng trip kong posible kong puntahan, halos lahat napuntahan ko. Laging nasusunod gusto ko. Pero bakit ganun, parang may kulang?
Sinasabi ko ng paulit ulit na masaya ako. Masaya ako. Masayang masaya. Pero bakit kumakabog yung puso ko, sinisigaw na... hindi pala..
Sobrang babad na ako sa mga makamundo at mga impermanent na bagay at nakakalimutan kong i-acknowledge yung nagbigay sakin ng lahat ng ito..
Madalas naiinis ako pag di ko nakukuha yung gusto ko. Pero kung nakuha ko na yung gusto ko, sa sobrang saya nakakalimutan ko nang magpasalamat Sakaniya.
Nakakalimot na pala ako: May tatakbuhan pala ako.
Pero isang katanungan ang paulit ulit na nasa utak ko: Lord, despite all these, BAKIT MAHAL MO PARIN AKO?
Naalala ko, oonga pala, prinsesa mo pala ako. :")
Ikaw pala ang heartbeat ng lahat ng ginagawa ko.
Thank You Lord sa wagas at walang kapantay na pagmamahal mo sakin! :) Salamat sa nagdaang taon. Salamat sa mga taong pinadala mo sa buhay ko na naging instrumento ng iyong kadakilaan.Salamat sa pagremind mo sakin na hindi paulit ulit ang lahat ng ginagawa ko dahil ikaw ang kadahilanan ng lahat ng ito. Salamat sa saya at lalong lalo na sa kalungkutan. Kulang ang forever para pasalamatan kita! :)

I am re-committing myself to You. Every piece of me will be Yours.
Thank You, Jesus.
Till I see you face to face.