Welcome to my life

Friday, February 22, 2013

WHAT?

Sa sobrang nakakatamad ng araw na to, naisipan kong magsulat ng mga kung ano ano. Tulad nito. Pero may naiisip ako, naiisip rin siguro to ng ibang tao: Bakit sa mga oras na kailangan mo ang isang bagay, yun yung oras na hindi ito magpapakita. Pero kung kailan mo ito hindi hinahanap, kusa itong magpapakita.. Tulad ng ulan. Kailangan ko ng ulan ngayon para masuspend ang klase dahil ayaw kong pumasok. Tulad din ng tulog, kung kailan may oras ka matulog, di ka makakatulog. Tulad ng tsinelas ko, lagi kong hinahanap tuwing kailangan ko siya pero kung hindi, nandiyan lang naman. Tulad na din ng mga magulang ko, ngayon kailangan na kailangan ko sila pero... Wala sila.  Ang labo. Pero ganun naman ang buhay diba? Isang malawak na kalabuan at tayo ay may tungkuling palinawin ito. WHAT. Ano ba tong pinagsasabi ko? Makapasok na nga. Baka sakaling luminaw tong tinatawag kong 'buhay'. WHAT WHAT WHAT.