Welcome to my life

Thursday, January 2, 2014

Kamusta ka naman Camfy?

Minsan tuwing tinatanong tayo ng mga ganyang tanong parang automatic na yung sagot natin na "Okay lang", "Sakto lang", o "Ayos lang". Pero kung iisipin mong maigi.. Kamusta ka na nga ba? Kamusta ka na Camfy? Kamusta naman yung puso mo?

Pero bakit ganun, gusto kong sagutin pero bakit parang wala akong masabing maganda? Weird. Masaya naman, hang outs with friends, gastos everywhere, eat all you can, aral aralan, gala. Masaya naman talaga. Pero tuwing natatapos lahat ng yan, pag mag isa na lang ako sa mga oras na ang natatanging bagay na magagawa ko ay ang magpakatotoo, bago matulog, tinatanong ko sarili ko..

Okay ka lang ba Camfy?

Nakakadepress kasi palagi nalang ang sagot, HINDI :(

Messed up my grades.
Failed my parents.
Failed my friends.
Lied to myself.

May mga bagay akong gustong balikan pero pinapatay ako ng idea na wala naman ako magagawa para maibalik yung mga yum. May mga bagay na patuloy dinudurog yung puso ko na gusto kong kalimutan completely pero ayaw ako iwan. May mga bagay akong gustong baguhin pero di ko magawa. Wala. Helpless & Disappointing.

Di bale na. Sabi nga nila, "it's never too late" diba? Oras na para i-redeem yung naiwanang Camfy. Kaya... Lord, Sayo muna tong puso ko hanggang sa kaya ko nang masagot ang tanong na "Kamusta ka na?" ng "OKAY na OKAY!" ng totoong totoo.. XD